Sarah Geronimo tahimik lang sa isyu tungkol sa kanila ni Matteo

Nalilink ngayon ang young popstar na si Sarah Geronimo sa triathlete-actor na si Matteo Guidicelli. Hindi lingid sa kaalaman ng publiko ang pag-amin dati ng aktor na humahanga siya sa young Popstar. 
Matteo Guidicelli and Sarah Geronimo show extra-sweet | PinoyRepublic ...
Photo Courtesy: PinoyRepublic

Pero nang mainterview si Matteo tungkol dito, hindi siya nagbigay ng anumang detalye at ganun din si Sarah.  Ayon sa huli, magsasalita lamang ito kung ready na siya.  Ang kumpirmado lang na estado nila ngayon ay magkaibigan silang dalawa.

Sa mga lumalabas na balita ngayon,eh masasabi nating medyo nabawasan na ang paghihigpit ng mga magulang ni Popstar Sarah G pagdating sa usaping pag-ibig, dahil ngayon nga ay nag-eentertain na si Sarah g mga manliligaw, at isa nga rito si Matteo.

Exchange Partners

Dahil sa isyung ito, hindi maiwasan ang kontrobersiyang nauugnay sa dalawa; ang kani-kanilang dating pag-ibig na sina Gerald Anderson at Maja Salvador, na ngayon nga ay isinapubliko na ang relasyon.  Girlfriend ni Matteo si Maja bago pa man ito napunta kay Gerald Anderson, na noong panahon ding yon eh, isang masugid ding manunuyo ni Sarah.  

Bashers

At nang matanong naman ang Popstar tungkol sa kanyang mga social media bashers, lalo na sa Twitter, hindi raw niya maiiwasan minsan  na sagutin at idepensa ang sarili, lalo na kung below the belt na ang birada ng mga ito sa kanya.  

Sige lang Miss Sarah, ganyan talaga pag sobrang sikat ka, meron kang bashers pero di hamak naman na mas marami ang iyong mga fans na nagsusuporta at nagmamahal sa'yo.  Ang mahalaga naman sa lahat ay yung wala kang tinatapakang tao, napapasaya mo ang lahat ng mga taong nasa paligid mo, mahal mo ang ginagawa mo at ang iyong  trabaho.  Ika nga sa sinabi mo sa Globe commercial mo, "Go lang nang go!"