Direk Paul Soriano, magpopropose na kay Toni Gonzaga right after Oscars!

Photo Courtesy: scoopboy.com
In a phone patch interview with Direk Paul Soriano sa show nina Ogie Diaz and MJ Felipe na OMJ, natanong siya kung kailan daw ba sila makakarinig ng wedding bells.

"Pagkatapos ng Oscars,", pabirong sagot ni Direk Paul.

Ibig bang sabihin nito, magpopropose na si Direk Paul sa long time girlfriend niyang si Toni Gonzaga? Aba, at malapit-lapit na rin yung Oscars, kung saan nominado sa Philippine entry ang TRANSIT, ang indie film na kino-produce ng gwapong director.

At kahit na maraming temptasyon sa paligid, dahil nga sa line of work nitong si Direk Paul, eh hindi raw nagpapadala rito at hinding-hindi magpapadala kahit na kailan.  Ginagawa daw kasi ni Toni ang lahat para hindi siya makakatingin pa sa ibang babae. At wala daw dapat ikabahala si Toni, na sobrang proud naman  sa achievement ng kanyang boyfriend.

"Toni is very beautiful', dagdag pa ni Direk Paul.