Isang magsasaka mula sa Visayas na si Noven Belleza ang hinirang na Kampeon sa Tawag ng Tanghalan



Isang magsasaka na si Noven Belleza na mula sa Victorias City, Negros Occidental, amg hinirang na kampeon sa tanyag na search talent  'Tawag ng Tanghalan' at nagwagi ng isang P2-million cash prize. 


Si Belleza ay tinalo ang limang iba pang karapat-dapat contenders sa 'Huling Tapatan' (grand finals) na ginanap noong Sabado sa Resorts World Manila sa Pasay City. Panalo ang pagkanta ni Belleza ng isang medley ng Air Supply. Nakakuha siya ng pinagsamang score ng 99.96 % mula sa mga hukom at text votes.

Si Sam Mangubat, na nakakuha ng 49%, ay pumapangalawa kay Noven. Mga kanta ni Bruno Mars naman ang inawit ni Sam. Sa ikatlong slot ay si Froilan Canlas, na ginawa ang ilang mga orihinal na Pilipinong  awitin, at nakakuha ng  45.78%.



 'Hindi na ako makapaghintay na umuwi sa bahay. Gusto kong ipagdiwang ang aking tagumpay sa aking kababayan sa Negros. Ang kanilang suporta ay ang dahilan kung bakit ako umabot dito, 'sabi ni Noven nang tinanong kung ano ang kanyang mga plano.