Bulacan Beauty Queen Shot Dead After Receiving Flowers, Chocolates

         







               Patay ang isang 23-taong-gulang na Beauty Queen nang pagbabarilin ng di pa nakikilalang gunmen na nagpanggap na mga delivery boy noong Miyerkules (Abril 5). Isang palumpon ng mga bulaklak at box ng tsokolate ang inihatid ng mga kunyaring delivery boy sa  kanyang bahay sa Plaridel, Bulacan.

                Kinilala ang biktima na si Mary Christine Balagtas, na nanalo bilang Lakambini ng Bulacan noong 2009. 

                Ayun sa imbestigasyon ng mga pulis, binaril sa ulo si Balagtas pagkatanggap agad niya ng mga naturang bulaklak na sanhi ng kanyng pagkamatay.

                Ang biktima ay isinugod sa Our Lady of Mercy Hospital sa Pulilan, Bulacan ngunit idineklarang dead on arrival.

                Tumakas naman ang dalawang gunmen sakay sa kanilang sinasakyang motorsiklo.  May mga leads naman ang mga pulis na maaaring makatulong sa identity ng mga ito.