PATAY ANG 29-YEAR OLD NA NEGOSYANTENG MODELO MATAPOS MAGPARETOKE!

PATAY ANG 29-YEAR OLD NA NEGOSYANTENG MODELO MATAPOS MAGPARETOKE!




Namatay ang negosyanteng modelo na si Shiryl Saturnino habang sumasailalim sa liposuction, breast at butt surgery sa Icon Clinic sa Mandaluyong City.  Napabalitang pumasok si Saturnino sa Operating Room ng naturang clinic bandang alas singko ng hapon noong araw ng Sabado.  

Ipinahayag na naobserbahan ng isang staff ng Icon Clinic na wala na umanong pulso ang negosyanteng modelo bandang alas tres ng madaling araw ng Linggo matapos makumpleto ang operasyong iginawa sa kanya.

Ayon kay Mandaluyong City Police Chief Sr. Supt. Joaquin Alva, tumawag pa umano ng ambulansya ang doctor na nag-opera kay Saturnino sa Makati Medical Center at sinubukang i-revive pero hindi siya nagtagumpay.
 “Sinubukan nilang ma-revive ‘to around 2:40 pero nag-expire siya mga 3:21,” Alva said.
“Kinausap ng mga investigator ko yung mga doctor. Kaya lang nagpeprepare pa sila ng statement, nagpapa-assist sila sa lawyer nila,” he explained. “Ang pinaka magiging matibay na batayan natin ay yung resulta ng autopsy.”
Walang kaalam-alam ang mga magulang ni Saturnino na konektado sa pagpapa-opera nito ang dahilan ng ikinamatay niya hanggang sa malaman nilang namatay na ito.
 “(Nadatnan namin) sa operating room. Pagdating namin ayun, nakatakip na siya ng ano, kumot. Actually, hindi ko alam na ganun yung daratnan ko, akala ko buhay pa siya,” lahad ng mama ni Saturnino.
“Wala po kaming alam. Lahat po nun, ng procedure po niya, wala po kaming alam,” she continued.
 “Inalam namin kung how much did she pay, so nalaman namin kung magkano then we requested for a refund. And then granted naman yung refund,” ayun kay Anabe na tiyuhin ni Saturnino.
Maaaring maghain naman ng reklamo ang pamilya ni Saturnino laban sa The Icon Clinic.  Hinihintay lang nila ang resulta ng autopsy ng bangkay ni Saturnino.
Ayun naman sa legal counsel ng The Icon Clinic,
 “Ginagawa po namin ang lahat at kasalukuyan po kaming nakikipagtulungan sa abot ng aming makakaya upang malaman kung ano ang totoong nangyayari sa ‘di inaasahang pagpanaw ni Bb. Saturnino,” - Cordero.
Dagdag pa niya, “Si Bb. Saturnino ay ilang taong nang regular pasyente ng The Icon Clinic at labis naming ikinalulungkot ang kanyang sinapit.