Yaya Dub Kilig na Kilig kay Papa Piolo Pascual!

Tila na starstruck at kinilig si Yaya Dub o Maine Mendoza sa unang pagkikita nila ni Papa Piolo Pascual sa event ng isang bangko na kapwa nila iniendorso.
Sa mga larawang ipinoste nina @bubsie_24 at@arcangel_24 sa Instagram, kita ang malaking kasiyahan sa mukha ng Kapuso phenomenal star na si Maine nang makadaupang-palad ang Kapamilya star na si Piolo sa event ng Banco De Oro na ginanap sa Alonte Sports Arena sa BiƱan, Laguna noong Sabado, ika-5 ng Nobyembre.
Ayon sa Random Republika, nagpunta sa nasabing event si Yaya Dub matapos dumating mula sa kanilang biyahe ni Alden Richards sa Europa.
Sa post ni @arcangel_24, sinabi niya na: “Papapi and Maine!!! ang cute lang ng una nilang pagkikita nagkahiyaan pa ng slight.. Lol!”
Halata namang kilig na kilig rin si @bubsie_24 base sa post niya: “Hangkyot!!! pakiusap po sana wag mag away, may event po sila kaya sila nagkita.. alangan naman po di sila magpansinan? hehe! good vibes lang sana.. parang sila lang oh happy lungs.. haha!
Nakita rin sa larawan si Direk Joyce Bernal na kapwa naging direktor nina Maine at Piolo.